Lunes, Hulyo 4, 2011

Lihim na Pagtingin

Lihim na Pag-tingin
nina: Maribeth at Ellaine

Sa tuwing ika’y nakikita,
araw ay nabubuo na
Kahit di napapansin,
ang lihim na pagtingin

Tuwing ika’y nakikitang masaya;
Dulot sa akin ay ligaya
Ngiti sa iyong mga labi,
Sa aking pag-ibig ay dumadampi

Oh! aking mahal,
Puso ko’y  nag hihintay
Kailan darating
Ang araw na ako’y iyong ibigin?

Bakit nalamang ganito?
Puso ko’y binigo mo!
Nag mahal ng iba
at ako’y iniwan mo.

Ako’y puno ng pagsisisi
Dahil pagmamahal ko’y ikinubli
Sana‘y aking nasabi
Laman ng pusong naimbi.

Pilit kitang kinalilimutan
Upang sakit ay mabawasan;
Ala ala sana ako’y pakawalan
Nang ang pag luha ay maiwasan

Lapis at Papel

Lapis at papel
Ni: Beverlyn C. Nachor

Pagpasok sa eskwelahan
Akin nang nakaugalian
At dito ko natutuhan
Kung paano ang lumaban

Minsan sa buhay ko
Nasabi ko nang “ayoko”
Ngunit may mga taong nagturo
Na huwag akong susuko

Mga pagsubok na darating
Akin nang haharapin
Pag-asa’y magniningning
At tiwala’y paiigtingin

Pagod ni Ina’y at Ita’y di sasayangin
Turo nila ma’am at sir di lilimutin
Lahat ng ito’y aking gagawin
Upang pangarap ko’y madaling marating

Mapalad ang mga bata
Na makatapos sa sekundarya
Makatanggap ng diploma
At makahanap ng maayos na karera

Yan ang Barkadahan

Yan ang barkadahan
Nina:Janet and Jeffrey

Galaan,kalokohan
Yan ang barkadahan
Samahan ng kabataan
Walang iwanan

Barkadaha’ynagsimula
Sa kantong tambayan
Duon ako nakahanap
Ng tunay na kaibigan

Kaibigangmaasahan
Sa oras ng kagipitan
Hindi kaiiwan
Kung tunay siyang kaibigan

Kalokoha’y di maiiwasan
Kung minsa’y hatid nito’ykaligayahan
Ngunit ang tunay na kaibigan
Hatid sayo’y kabutihan

Bisyo’t droga’y napipigilan
Sa pag kakaroon ng tunay na kaibigan
Di lamang kalokohan hatid ng barkadahan
Sa pag-ibig din ay ng dadamayan

Kalokoha’y walang katapusan
Pag kakaibigang walang iwanan
Habang buhay na pag mamahalan
Yan ang tunay na barkadahan.


Salamat Po Aking Guro!

Salamat Po Aking Guro!
Ni: Christian N. Onia

Tuwing unang araw ng pasukan
Ako’y laging kinakabahan
Sa aking mga bagong guro
Na sa amin ay magtuturo

Meron nagsasabi na sila’y istrikto
Ngunit nang sila’y masubaybayan ko
Dating akala ko’y nagbago
At sabisabi pala’y hindi totoo

Merong istrikto noong una
Pero nagkukunwari lang pala
Meron din namang makata
Na mahiyain pero masayang kasama

Iba nama’y una  palatawa
Kung magtuturo nama’y seryoso sila
Kahit mahirap kung magpasulit
Nagbibigay naman ng palugit

Iba’y seryoso at dibdiban sa pagtuturo
Upang kami’y matuto nang husto
Kahit minsan kami’y naglalaro
Sa oras ng klase na sila’y nagtuturo

Pero kahit kami’y pasaway
Aming guro ay nagsilbing gabay
Na tutungo sa aming tagumpay
At sa pag-unlad ng aming buhay


Linggo, Hulyo 3, 2011

Magulang

                  MAGULANG
                                           By: Big Boy joe  D. Valdez

                                                Ang tao ay mapagmahal
Gaya ng ating sariling magulang
Sa mga kaibigan man, o kaaway
Sila ang higit mong matatakbuhan at maasahan.

Sa mga bagaybagay, sila ang takbuhan
                                                Sa kamalian nyo kayo’y tinuturuan
Sapagsubok na haharapin sila ang kramay
Yan angmagulangtunay at tapat na kaibigan.

Sila’y umalis upang tayo’y makapag-aral
        Kaya kayo kabataan isapuso ang pag-aaral
Upang masuklian ang sakrisipisyo ng magulang
Walang hindi kaya basta’t pagbubutihan.

Umulan man o umaraw tuloy pa rin ang buhay
‘Wag susuko sa hamon ng buhay
Kaya natin yan, kung pagtutulungan
Walang imposible sa ating magulang.

Ako'y Natuto



Ni: KC Lyn G. Desisto

Sa buhay ko, ikaw itong nanggulo
Bawat araw, ika’y nasa isip ko
Maging sa panaginip ikaw ang laman
Pag-ibig na nga kaya itong nararamdaman?

Pag-ibig na nga kaya itong nararamdaman?
Sa aking isip marami akong katanungan
Araw at gabi, ito’y laging nasa isipan
Hindi ko  malaman kung ano ang aking karamdaman

Hindi ko  malaman kung ano ang aking karamdaman
Ito ba’y sakit sa puso o sakit sa isipan?
Ngunit ng ika’y makilala, mundo ko’y nagbago
Binigyan mo ng sigla buhay kong walang halaga

Binigyan mo ng sigla buhay kong walang halaga
Pag ika’y kasama, ako’y laging masaya

Sigarilyo’y naiwasan, droga’y natantanan
Ngayon alam ko na, pag-ibig ang s’yang nararamdaman.